Bakit ganon yung majority ng students?? magaaral ng nursing, education, engineering, dito sa pilipinas tapos yung goal pala is dun magtrabaho sa abroad. Ayaw ba nila dito sa pilipinas din magwork,. mababa yung sahod, oo. pero diba nung mga bata pa tayo hanggang sa makatapos tayo ng highschool. Pag tinatanong tayo ng mga nakakatanda saten or kahit sino ng "BAKIT MO GUSTO MAGING NURSE, TEACHER, DOCTOR,o ENGINEER?" ang lagi nating sinasagot "para makatulong sa kapwa". pero Kapwa ano, tao or pilipino?. Kung passion naman talaga ng tao ang pagtuturo, paggagamot o kahit ano pa, hindi naman kelangan isipin yung money involved diba? ewan ko siguro dala lang din yun ng kahirapan dito sa pilipinas. Hindi naten sila masisisi. Kaya lang naisip ko kung ang perception ng majority dito ay ganon. Pano na lang yung future generation. Kung lahat ng magagaling magaabroad. Sino na magtuturo sa kanila. Ano na lang development ng country naten, pag wala na sila.
1 comment:
Well, let's just say we used to mean that when we were kids. But reality bites. Maybe they can't find future in a country that cannot even run a decent election and where politics means business and not public service.
Well at least I'm staying here dear. Chill ^_^
Post a Comment