Monday, August 30, 2010

2010 Emmys Red Carpet

Kim Kardashian
The curvaceous reality star was a vision in her Cleopatra-esque Marchesa creation complete with stunning Lorraine Schwartz jewels and a braided updo.

Heidi Klum
The 37-year-old mother of four strutted her stuff in a Marchesa micro mini, spiked Christian Louboutins, and a Lorraine Schwartz ruby and diamond necklace. While she looked incredible, we can’t imagine this barely-there dress was very easy to sit through an awards ceremony in.

Julie Benz
The former "Dexter" star struck a pose in an elegant one-shoulder gown from Pamella Roland’s Resort 2011 collection. The beaded cut-out motif on her hip elevated the gown from simple to stunning.

Jayma Mays
The "Glee" counselor showed how very different she is from her buttoned-up character in a sexy Burberry Prorsum chiffon ruched gown, Neil Lane necklace, and tousled strawberry blond locks.

My favorite dresses in the 2010 Emmys Red Carpet. Their dress was so fabulous. How I wish I could have one...hehehe but I could experiment though, maybe my closet will give me such... =)
For the list of the 2010 Emmys Red Carpet Report Card visit: http://awards.tv.yahoo.com/photos/140-2010-emmys-red-carpet-report-card#OmgPhoid=51

Saturday, August 7, 2010

Kuwentong Dyip

(at dahil BUWAN ng WIKA ngayon... tagalog tong gagawin ko)

Sa wakas! nagkasagimsim din ako... Ilang beses ko na rin sinubukan magsulat ng isang "blog" na gamit ang ating wika. Unang subok hindi tapos, Pangalawang subok panget, pangatlo, pang-apat waaaahhh, ayoko na ang hirap! pero nang makita ko ang asignatura ng aking kamag aral, nagkaroon ako ng tiwala sa sarili na makakapagsulat din ako ng ganoon. Kaya aking sinubukang muli.

Haayyy... Aking naibigkas, pagsakay ko sa dyip.


Pupunta na ako sa unibersidad na aking pinasukan mula sa pagkabata hanggang sa paglaki. Mahuhuli na ko. Iniintay pa naman ako ng mga bagong manunulat ng "THE JOURNAL"! Ang magasin ng unibersidad. Habang tinatahak ko ang trapik mula guadalupe hanggang makati ave. hindi ko mapigilang tumingin ng tumingin sa oras, 45mins.! 45mins.! Text dito, Text doon, sorry dito, sorry doon. Bumaba ako ng dyip naglakad ako sa tulay ng makati-mandaluyong bridge. Nakakamiss maglakad dito, ang makipagsiksikan sa tulay kada alas singko ng hapon at ang maglakad sa init ng sikat ng araw pagpasok sa opisina. Sumakay na ko ng hulo na dyip. Yes! isang sakay na lang diretso na to. Sa aking kagalakan, hindi ko napansin ang mga pasakay na pasahero, siksik doon, siksik dito; hanggang sa umandar na ang dyip na sing kupad ng pagong. Daig pa nang mamang nagbibisikleta sa gilid ng kalsada.

Lagi ko yan napapansin, kada sasakay ako ng dyip, hindi ko malaman kung sino ba ang may sira ang dyip o ang tsuper nito. Muli kong naalala ang kategoryang binigay ko sa mga ganitong dyipni drayber na nasasakyan ko nung ako'y nasa kolehiyo.

May apat na klase ng dyipni driver.

Una ang dyipning pagong. Kagaya nang nabanggit ko kanina, sila ay ang mga dyipni drayber na kung magpatakbo eh aabutin ng siyam siyam bago ka makarating sa pupuntahan mo. Malas ng mga taong mahilig magmadali pero hindi umaalis ng maaga. dapat magaling ka tsumempo.

Pangalawa ang dyipning hakot. Sila yung mga dyipni drayber na lahat ng kantong may taong makita eh hihintuan at aalukin na sumakay na sa dyip nila kahit hindi naman nila pinapara, parang kompyuter na nakaprogram. awtomatik! Dapat itong iwasan ng mga taong mahilig umupo ng relaks sa dyip; alalahanin mo pasahero ka lang.

Pangatlo ang dyipning laging luwag. Sila yung mga dyipni driver na mahilig sabhin sa mga pasahero na luwag pa kahit hindi naman, madalas naten silang makikita sa mga lugar kung saan may barker, tantiyado nila ang sukat at bilang ng kasiya sa jeep, wag kang umangal, kundi lalo lang tatagal pag-alis niyo, ikaw din baka pagsisihan mo pa. dapat itong iwasan ng mga babae, talamak dito ang mga modus ng mga masasamang tao. At

Pang-apat ang dyipning bingi/bulag. Sila yung mga dyipni drayber na hindi makaintindi ng salitang PARA!, makakita ng umiilaw na ilaw ( sa mga pull the string to stop) at makarinig ng tunog (sa mga push the button to stop). Tamang bayad lagpas na babaan ang drama nila, hindi mo alam kung tulala o sadyang ayaw lang nila pansinin. dapat itong iwasan ng mga taong mahihina ang boses, kundi hindi ka makakarating sa destinasiyon mo.

Bukod sa mga nakakainis na dyip, hindi naman patatalo ang mga nakakainis na mga pasahero. Marami din niyan, may mga pasahero na kung umupo kala mo nabili na yung upuan, kulang na lang bumukaka wag lang masiksik, may mga pasahero naman na deadma, nakita nang nahihirapan yung matanda o babae sa pag-upo, hala sige siksik pa ng siksik, deadma din sa pagabot ng bayad narinig nang may sumigaw ng bayad po hindi pa kukunin, hindi istretsiyabol ang kamay ko, kaya please pakiabot lang, may mga pasahero naman na kung makatingin kala mo iskaner, kung makapaginspeksiyon tinalo pa yung sekyu sa gate sa eskwelahan namen, at meron ding mga maiingay, tinalo pa yung sounds ng radiyo sa kaingayan, magkatabi lang naman sila ng kausap niya.

Madami ding istoryang nabubuo sa dyip, ang kwentong combo, kwento ng taong tulog sa dyip na nagbabounce ang ulo taas, at baba, nakakailang combo na kaya si manong? kwentong narra, ma bayad, san to? Diyan lang sa narra? anong narra? diyan lang! sa susunod alamin mo na 9de pebrero yan; hindi yung narra ka ng narra. kwentong de ja vu na hindi, ate bili kayong mani, bayad po! pagsakay ng pasahero ate bili kayong mani, bayad po! ang kwentong patak, ilang patak na kaya ang nahuhulog sa bibig ni kuya, at ang kwentong 123, magaabot ng bayad sabay baba, kunwari siya nagbayad.

5mins. ito na yun natatanaw ko na, 4mins, malapit na ko! tama na ang pagpuna sa mga tsuper at pasahero, isang liko na lang andon na ko, makakasama ko na ang mga kameeting ko, 3minutes, nagreready na ko, 2mins. steady na ko, 1min. MANONG PARA BABABA na ako.